| Pangarap
                        
                                                                                    
                                                                                            | Maraming nagsasabi na libre lang raw ang mangarap. |  
                                                                                            | Tiyak na may pangarap ka sa buhay |  
                                                                                            | Ang pangarap ay kakaiba sa panaginip. Ang panaginip ay nangyayari lamang sa iyong isipan habang ikaw ay natutulog. |  
                                                                                            | Hindi rin pagpapantasya ang pangarap. Ang pantasya ay likha ng malikhaing isip. |  
                                                                                            | Hindi nakakabuti ang pagtakas sa suliranin. |  
                                                                                            | Lumilipas ang panahon kaya dapat kung mayroon kang pangarap ngayon, umpisahan mo nang magplano upang maisakatuparan ito. |  Ang mga Pamantayan sa Pagtatakda ng Mithiin
                        
                                                                                    
                                                                                            | Upang magkaroon ng higit na pag-unawa sa pagtatakda ng mithiin, alalahanin ang mga sumusunod na mga praktikal na pamantayan. |  
                                                                                            | Specific (Tiyak) | Tiyak ang iyong mithiin kung ikaw ay nakasisiguro na ito ang iyong nais na mangyari sa iyong buhay. |  
                                                                                            | Measurable (Nasusukat) | Una, nasusukat mo ang iyong kakayahang kumuha ng kursong nais mo. Pangalawa, nasusukat mo ang iyong progreso sa pagsulong ng panahon patungo sa iyong mithiin. |  
                                                                                            | Attainable (Naabot) | Ang mithiin ay makatotohanan, maabot, at mapanghamon. |  
                                                                                            | Relevant (Angkop) | Kailangan mong suriin ang iyong prayoridad: ang unang mahalaga sa iyo, sumunod ay ang pangalawang mahalaga para sa iyo. |  
                                                                                            | Time-Bound (Mabibigyan ng Sapat na Panahon) | Isipin mo kung gaano katagal mo kayang matutupad ang iyong mithiin. |  
                                                                                            | Action-Oriented | Ang pagpapahayah ng mithiin ay kailangang nasa pangkasalukuyang kilos. |  |  | Ang mga tanong may mga pangarap ay:
                        
                                                                                    
                                                                                            | Handang kumilos upang maabot ito. | Ang isang taong may pangarap ay handang magsumikap at magtiyaga upang marating ang mga ito. |  
                                                                                            | Nadarama ang higit na pagnanasa tungo sa pangarap. | Lubos na nadarama ng taong nangangarap ang pagnanasang matupad ang mga ito. |  
                                                                                            | Nadarama ang pangangailangang makuha ang mga pangarap. | Ang paghahangad na makuha ang mga pangarap ay lubos para sa mga taong naniniwalang kailangan nila ito sa kanilang buhay. |  
                                                                                            | Naniniwala na magiging totoo ang mga pangarap at kaya niyang gawing totoo ang mga ito. | Ang pagkakaroon ng paniniwala na matutupad ang mga pangarap ang siyang malaking kontribusyon sa pagsisikap ng tao. |  Ang Pangmadalian at Pangmatagalang mithiin
                        
                                                                                    
                                                                                            | Ang pangmadaliang mithiin ay maaring makamit sa loob ng isang araw, isang linggo, o ilang buwan lamang. |  
                                                                                            | Ang pangmatagalang mithiin ay maaring makamit sa loob ng isang semester, isang taon, limang taon, o sampung taon. |  
                                                                                            | Ang pangmatagalang mithiin at karaniwang makahulugan at mahalagang mithiin. |  
                                                                                            | Ang kakailanganin mithiin o enabling goal ay espesyal na uri ng pangmadaliang mithiin dahil ito ay pantulong sa pagkamit ng pangmatagalang mithiin. |  
                                                                                            | Sa pagtatakda ng pangmadalian at pangmatagalamg mithiin, kailangan mo ring suriing mabuti ang mga maaring mangyari sa bawat yugto patungo sa iyong mithiin. |  |  | Pagtatakda ng Mithiin
                        
                                                                                    
                                                                                            | Bilang tao ang katuparan ng ating pangarap ay nakatali sa ating pinipiling bokasyon. |  
                                                                                            | Sa ngayon, ang unang hakbang na kailangan mong gawin ay ang pagtukoy sa iyong mga pangarap na ito ang itatanim sa puso bilang iyong mga mithiin sa buhay. |  
                                                                                            | Ang goal o mithiin ay ang tunguhin o pakay na iyong nais na marating o puntahan sa hinaharap. |  Mga Hakbang sa Pagtatakda ng Mithiin
                        
                                                                                    
                                                                                            | 1). Isulat ang iyong itinakdang mithiin |  
                                                                                            | 2). Isulat ang takdang panahon ng pagtupad ng iyong mithiin |  
                                                                                            | 3). Isulat ang mga inaasahang kabutihang maidudulot mula sa itinakdang mithiin at sa paggawa ng plano para rito. |  
                                                                                            | 3a.) Kung matamo mo na ang iyong mithiim, tunay kang nagtagumpay. |  
                                                                                            | 3b.) Sa panahon ng pagsubok sa pagtamo ng iyong mithiin, magiging hamon ang mga benepisyong ito para sa iyo. |  
                                                                                            | 3c.) Kung nakasulat ang mithiin sa buhay, nakagagawa ka ng mahusay na plano para maisakatuparan ang iyong mithiin sa buhay. |  
                                                                                            | 3d.) Kung satuwing umaga ay nababasa mo ang iyong plano, nagkakaroon ka ng tiwala sa sarili dahil alam mong mayroong direksyon ang iyong mga ginagawa sa araaw-araw. |  
                                                                                            | 4.) Tukuyin ang mga maaring balakid o hadlang sa pagtupad ng iyong mga mithiin. |  
                                                                                            | 5.) Isulat ang mga maaring maging solusyon sa mga balakid o hadlang na natukoy. |  | 
            
Created By
Metadata
Comments
No comments yet. Add yours below!
Add a Comment