Pagbubuod
- Pagsulat ng isang maikling sanaysay kung saan nakasaad na lahat ang mga importanteng detalye sa isang pangyayari
- Ginagamit sa pagsasalaysay ng mga nabasang kwento, nobela, gayundin ang panonood ng sine, dula at iba pa
- Mahalaga upang mas madaling maintindihan ang mga impormasyon na nais ibahagi ng isang tao
- Nakakapagpapalinaw ng lohika at kronolohiya ng mga ideya lalo na sa mga hindi organisado o komplikadong paraan ng pagsulat sa teksto
- May layuning makatulong sa may akda o mga mambabasa upang maunawaan ang diwa o tema ng isang seleksyon o isang akda at maisulat ang pangunahing kaisipan ng isang akda upang mas higit itong mainitindihan.
- Pagbubuo ng sariling pagsusuri batay sa impormasyong nabasa, narinig, o nakita
- Pinaiikli nito ang teksto o paksa na nabasa at gagawin na naayon sa pagkaintindi ng mambabasa o pagbabatay lamang sa mga o nangyari sa paksa o pagkukuha lamang ng buong kahulugan o kung ano ang ibig ipaliwanag at ibig ipahiwatig sa isang teksto.
Buod - siksik at pinaikling bersiyon ito ng teksto maaaring nakasulat, pinanood, o pinakinggan |
|
|
Katangian ng Pagbubuod
1. Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto kaugnay ang paksa.
2. Hindi inuulit ang mga salita ng may akda, bagkus gumagamit ng sariling pananalita.
3. Mga 1/3 ng teksto o mas maikli pa dito ang buod. |
Mga Hakbang ng Pagbubuod:
1. Basahin, panoorin o pakinggan muna nang pahapyaw ang teskto o akda.
2. Sa mga nakasulat o episodyo ng isang pinanood o pinakinggan, tukuyin ang paksang pangungusap o ang pinaka tema gayundin ang mga susing salita o key words.
3. Pag-ugnay-ugnayin ang mga ideya upang mabuo ang pinakapunto o tesis.
4. Sulatin na ang buod at tiyakin ang organisasyon ng teksto.
5. Huwag maglagay ng mga detalye, halimbawa at ebidensya.
6. Makakatulong ang signal word o mga salitang nagbibigay-transisyon sa mga ideya gaya ng gayunpaman at kung gayon bilang pangwakas.
7. Huwag magsinggit ng mga opinyon. |
|
|
Uri ng Pagbubuod
❖ Lagom o sinopsis - Isa itong pagpapaikli ng mga pangunahing punto, kadalasan ng piksyon. Karaniwang hindi lalampas ito sa dalawang pahina.Ito rin ang ginagamit sa mga panloob o panlabas ng pabalat ng isang nobela na tinatawag na jacket blurb.
❖ Presi - Muling paghahayag ito ng ideya ng may-akda sa sariling pangungusap ng bumasa, ngunit maaaring ng komento na nagsusuri sa akda. Wala itong mga elaborasyon, halimbawa, ilustrasyon, at iba pa.
❖ Sintesis - Isang anyo ng pag-uulat ng mga impormasyon sa maikling pamamaraan upang ang sari-saring ideya o datos mula sa iba't ibang pinanggalingan (tao, libro, pananaliksik, atbp.) ay mapagsama-sama at mapag-isa tungo sa isang malinaw na kabuuan o identidad. Pagsasama-sama ng mga ideya tungo sa isang pangkalahatang
kabuuan.
❖ Analysis - Paghihiwa-hiwalay ng mga ideya upang suriin ang huli.
❖ Abstrak - Isa itong maikling buod ng pananaliksik, artikulo, tesis, disertasyon, rebuy, proceedings, at papel-pananaliksik na isinumite sa komprensiya at iba pang gawain na may kaugnay sa displina upang mabilis na matukoy ang layunin ng teksto.Inilalahad ng abstrak ang masalimuot na mga datos sa pananaliksik at pangunahing mga metodolohiya at resulta sa pamamagitan ng paksang pangungusap o kaya'y isa hanggang tatlong pangungusap sa bawat bahagi. |
|
Created By
Metadata
Comments
No comments yet. Add yours below!
Add a Comment
Related Cheat Sheets
More Cheat Sheets by kYUtQouH