Show Menu
Cheatography

KOMFILModule 3:Pananaliksik, Pagbasa, Komunikasyon Cheat Sheet by

ANG PANANALIKSIK AT ANG KOMUNIKASYON SA ATING BUHAY

Maxwell McCombs at Donald Shaw

Ang pangma­dlang media ang nagtatakda kung ano ang pag uusapan ng publiko.

George Gerbner

Ang midya, lalo na ang telebi­syon, ang tagapa­gsa­laysay ng lipunan na lumilinang sa kaisipan ng mga madalas manood na ang mundo’y magulo at nakaka­takot.

Marshall McLuhan

Binabago ng midya ang simbol­ikong kapali­giran ng mga tao at naiimp­luw­ens­yahan nito ang kanilang pananaw, karanasan, ugali at kilos kung kaya’t masasabing “ang midya ay ang mensahe”.

Stuart Hall

Ang midya ang nagpap­anatili sa idolohiya ng mga may hawak ng kapang­yarihan sa lipunan.

M.A.K Halliday

May pitong tungkulin ang wika:
•Instr­umental
•Regul­atoryo
•Inter­aks­iyonal
•Personal
•Heuri­stiko
•Impor­matibo
•Imahi­natibo

Roman Jakobson

May anim na paraan ng pagbab­ahagi ng wika ito ay ang:
•Pagpa­pahayag ng damdamin (Emotive)
•Pangh­ihi­kayat (Conative)
•Pagsi­simula ng pakiki­pag­-ug­nayan (Phatic)
•Paggamit bilang sanggunian (Refer­ential)
•Paggamit ng kuro-kuro (Multi­lin­gual)
•Patal­inghaga (Poetic)

Sitwasyong Nagpap­akita ng Gamit ng Wika sa Lipunan

1. Paggawa o pagsulat ng liham - liham pagkai­bigan, liham pangan­gal­akal, liham aplikasyon sa trabaho, liham patnugot at iba pa
2. Pagsulat ng mga panitikan
3. Pagsulat at pag-ulat ng balita
4. Pakiki­pag­-ug­nayan sa ibang tao sa araw-araw
5. Pagpap­ahayag ng sariling kaisipan at damdamin

Batis (Sources) ng Imporm­asyon

- mga souces ng mga imporm­asyon na nakukuha ng mga nagbabasa at nakikinig. Ito ay mahalaga lalo na sa aspeto ng edukasyon at paggawa ng pormal na kasulatan.

Mga Uri Ng Batis (Sources) Ng Imporm­asyon
1. Primaryang Batis - Naglalaman ng mga imporm­asyon na galing mismo sa bagay o taong pinag-­uusapan sa kasays­ayan.
2. Sekond­aryang Batis - Batayan ng imporm­asyon ay mula sa pangun­ahing batis ng kasays­ayan.
3. Pasalitang Kasaysayan – Kasaysayan na sinambit ng bibig; Kasays­ayang Lokal; Kasaysayan na nagmula sa ating lugar
4. Nation­alist Perspe­ctive – Pagtingin o perspe­ktiba na naaayon o mas pabor sa
isang bansa.
5. History from Below - Naglal­ayong kumuwa ng kaalaman batay sa mga ordina­ryong tao, binibi­gyang pansin nito ang kanilang mga karanasan at pananaw, kaibhan sa estere­oti­pikong tradis­yonal na pampul­itikang kasaysayan at tumutuon sa gawa at aksyon ng mga dakilang tao
6. Pantayong Pananaw - Isang metodo ng pagkilala sa kasaysayan at kalina­ngang Pilipino na nakabatay sa “panloob na pagkak­aug­nay­-uganay at pag-uugnay ng mga katangian, halagahin (value­s),­kaa­laman, karunu­ngan, hangarin, kaugalian, pag-aasal at karanasan ng iisang kabuuang pangka­lin­ang­an—­kab­uuang nababalot sa, at ipinap­ahayag sa pamama­gitan ng iisang wika
7. Pangkaming Pananaw - ang nagawa ng hanay ng mga Propag­andista tulad nina Rizal, Luna atbp. bilang pamamaraan sa paglil­inang ng kabihasnan natin. Ang kausap nila sakanilang mga nilala­thala ay ang mga banyag­a—p­art­ikular ang mga kolony­ali­stang Kastila.
8. Pansilang Pananaw - ipinag­pap­atuloy ng kasalu­kuyang mga antrop­ologong Pilipino (sa nasyon­alidad ngunit siguro hindi sa kultura at wika)

Mga Hakbang Sa Pagpili Ng Batis Ng Imporm­asyon

Yugto 1: Panimulang Paghahanap
Panimulang paghahanap ng kard katalog, sanggu­niang aklat, biblio­grapi, indeks at hanguang elektr­oniko.

Yugto 2: Pagsusuri
Pagsusuri ng kinasa­ngkutan ng browsing, skimming at scanning ng mga aklat at artikulo at ng pagpili ng citation mula sa mga babasahin.

Yugto 3: Pagbabasa at Pagtatala
Ang ikatlong yugto ay ang pagbabasa at pagtatala ng mga imporm­asyon o datos mula sa mga napiling sanggu­nian. Mahala­gadito sa ikatlong yugto ang pagsasagwa at paghahanda ng mga tala ng imporm­asyon o datos.
 

Pagbabasa

- pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga nakalimbag na simbolo; proseso ng pag-unawa sa mga mensaheng nais ibahagi ng may akda sa babasa ng kanyang isinulat

Rubin at Bernhardt – Ang pagbasa ay kompleks, daynam­ikong proseso ng pagdadala ngmensahe sa teksto at pagkuha ng kahulugan mula sa teksto. Ito ay integr­atibong proseso ng pagsas­anaib ng apektibo, perseptwal at kognat­ibong domeyn.

Baltazar (1977) – Ang pagbasa ay kasang­kapan sa pagkatuto ng mga kabatiran ukol sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay. Sa katunayan, 90% sa napag-­aralan ng tao ay mula sa kanyang karanasan sa pagbasa.

Mga Layunin Ng Pagbabasa

1. Nagbabasa tayo upang maaliw.
2. Tumuklas ng mga bagong kaalaman at maimbak ito sa ating kaisipan.
3. Mabatid ang iba pang mga karanasan na kapupu­lutan ng aral.
4. Mapagl­akbay ang ating diwa sa mga lugar na pinapa­ngarap nating marating.
5. Mapag-­aralan natin ang kultura ng ibang lahi at mabatid ang pagkak­atulad at pagkakaiba nito sa kulturang ating kinagi­snan.

Mga Hakbang Ng Pagbasa

Si William S. Gray, ang tinagu­riang Ama ng Pagbasa, ay naglahad ng apat (4) na
hakbang sa pagbasa:

1. Pagkilala - Tumutukoy sa kakayahan ng bumabasa na mabigkas ang mga salitang tinutu­nghan at makilala ang mga sagisag ng isipang nakali­mbag.

2. Pag-unawa - Ang kakayahang bigyang kahulugan at interp­ret­asyon ang kaisipang ipinap­ahayag ng mga simbolo ng mga salitang nakali­mbag.

3. Reaksyon - Kakayahan ito ng mambabasa na maghatol o magsabi kung may kawastuhan at kahusayan ang pagkasulat ng teksto. Tumutukoy rin ito sa pagpap­ahalaga at pagdama na iniuukol ng mambabasa sa nilalaman ng kanyang binasang teksto.

4. Asimil­asyon at Integr­asyon - Kakayahan ito ng mambabasa na isabuhay ang natutuhang kaisipan sa binasa. Naiuugnay niya ang kasalu­kuyang karanasan sa nakaraan na tinalakay sa binasa.

Tatlong Salik Ng Pagbasa

1. Uri ng Bokabu­laryo Talasa­litaan (Kinds of Voc.)
2. Balangkas at istilo ng Pagpap­ahayag
3. Nilalaman o Paksa ng Binabasa (Content / Subject Matter)

Mga Teorya Sa Pagbasa

1. Teoryang Bottom- Up – Batay sa "­Teo­ryang stimulus respon­se" ang sentro ng pagbasa ay ang teksto na kailangan munang maunawaan ng mambabasa bago siya makapa­gbigay ng kaukulang reaksyon o interp­ret­asyon.

2. Teoryang Top- Down – Ang mambabasa ay nagiging isang aktibong partis­ipant sa pagbasa dahil sa taglay niyang "­Stock Knowle­dge­" o mga nakaimbak na kaalaman bunga ng kanyang mga karanasan. Ang daloy ng imporm­asyon sa teoryang ito ay nagsis­imula sa itaas patungo sa ibaba na ang ibig sabihin, ang pag-unawa ay batay sa kabuuang kahulugan ng teksto. Ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman (prior knowledge) at mga kaalaman (schema) na nabubuo na sa kanyang isipan batay sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Nakabubuo siya ng mga palagay at hinuha at ito ay iniuugnay niya sa mga ideya na inilahad ng may-akda sa teksto.

3. Teoryang Interaktiv – Learning is a two-way process. Hindi monopolyo ng mga mambabasa ang pag-unawa sa tekso. Ito ang kombin­asyon ng teoryang bottom-up at topdown sapagkat ang proseso ng kompre­hensyon ay may dalawang direksyon (McCor­mick, 1998)

4. Teoryang Iskema – Tumutukoy sa teoryang ito sa kalayaan ng mambabasa na magbigay ng kahulugan sa teksto. Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa ating isipan o memorya. Ito ay nagiging dating kaalaman (prior knowle­dge). Ito’y nakaka­imp­luw­ensya nang malaki sa pag-unawa kung ano ang alam na o hindi alam ng mambabasa. Ang dating kaalaman (iskema) ang unang kailangan sa pag-unawa sa binasa upang maunawaan ang binasang teksto.
 

Iba’t Ibang Pattern o Uri Ng Pagbasa

1. Iskaning – Uri ng pagbasa sa kung saan ang nagbabasa ay nagsas­agawa ng paggalugad sa materyal na hawak tulad ng pagbasa sa mga susi na salita o key word, pamagat at sub-ti­tles.
Halimbawa: Pagtingin sa diyaryo upang alamin kung nakapasa sa isang Board Examin­ation; pagtingin ng winning number ng lotto; Pagbasa ng mga nilalaman (table of contents), index, classified ads at sa paghahanap ng numero ng isang taong nais makausap.

2. Iskiming – Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangka­lah­atang ideya o impresyon, o kaya’y pagpili ng materyal na babasahin. Ito rin ay pagtingin o paghanap sa mahalagang imporm­asyon, na maaaring makatulong sa pangan­gai­langan tulad ng term paper o pamanahong papel, riserts at iba pa. Ang gumagamit ng kasanayang ito ay pahapyaw na bumabasa ng mga pahiwatig sa seleksyon katulad ng pamagat at paksang pangun­gusap. Binabasa niya nang pahapyaw ang kabuuan ng seleksyon at nilala­ktawan ang mga hindi kawili­-wili sa kanya sa sandaling iyon.

3. Previewing – Ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat o chapter. Sinusuri muna ang kabuuan at ang estilo at register ng wika ng sumulat.

4. Kaswal – Pagbasa ng pansam­antala o di-pal­agian. Magaan ang pagbasa habang may inaantay o pampalipas ng oras.

5. Pagbasang pang-i­mpo­rmasyon – Ito’y pagbasang may layunin malaman ang imporm­asyon at pagbasang may hangarin na mapalawak ang kaalaman tulad ng pagbasa sa pahayagan kung may bagyo, sa hangarin malaman kung may pasok o wala.

6. Matiim na pagbasa – Nangan­gai­langan ito ng maingat na pagbasa na may layuning maunawaang ganap ang binabasa para matugunan ang pangan­gai­langan tulad ng report, riserts, at iba pa.

7. Re-reading o muling pagbasa – Paulit na binabasa kung ang binabasa ay mahirap unawain bunga ng mahirap na talasa­litaan o pagkakabuo ng pahayag.

8. Pagtatala – Ito’y pagbasang may kasamang pagtatala, paghah­igh­light ng mga mahalagang kaisipan o ideya bilang pag-imbak ng imporm­asyon.

KOMUNI­KASYON

- Nagsimula sa salitang Latin na communi atus na ang ibig sabihin ay ibinab­ahagi.
- Ayon kay Wood (2004), ito ay prosesong "­sys­tem­ic" na kung saan ang bawat indibidwal ay nakiki­pag­-ug­nayan sa pamama­gitan ng mga simbolo upang makalikha at magbigay ng kahulugan.
- Isang proseso ang komuni­kasyon dahil ito ay tuloy-­tuloy na nagaganap at patuloy na nagbabago
- Ginaga­mitan ng simbolo (salita, parirala, at imahe). Ang simbolo ay abstrakto, arbitr­aryo.
- Systemic ang komuni­kasyon (may pinagm­ulan, tagata­nggap, at mensahe)

Proseso ng Komuni­kasyon

Tagapa­gdala/ Pinang­gag­alingan Midyum/ Tsanel (Mensahe) Tagata­nggap

Puna/ Reaksyon/ Sagot

Tsanel ng Komuni­kasyon (Di-Be­rbal)

1. Kinesics - ang katawan at mukha ay may iba't ibang gamit sa komuni­kasyon
• Sagisag - thumbs up, peace sign, middle finger
• Tagapa­gla­rawan - magturo, magbig­ay-diin o direksyon
• Pagkontrol ng Berbal na Intera­ksyon - pagtango, pagtaas ng kilay, pag-iling
• Pandamdam - pagngiti, pagngiwi, pagsim­angot
2. Proxemics - ang espasyo o distansya ay nagpap­ahayag din ng mensahe. May apat itong uri na tumutukoy sa relasyong namama­gitan sa mga taong nag-uusap
• Intimate - nakadait ang mga balat ng katawan hanggang 18 pulgada
• Personal - tumutukoy sa "­comfort zone" o di nakikitang bula na bumabalot sa isang tao; may sukat na 18 pulgada hanggang 4 na piye
• Sosyal - mula 4 hanggang 12 piye ang layo
• Pampubliko - mula 12 hanggang 25 piye
3. Haptics - ang paghipo ang pinaka­pri­mit­ibong anyo ng komuni­kasyon at naghahatid ng iba't ibang mensahe tulad ng tapik sa balikat, yakap, sampal, kalabit, tsansing, atbp.
Halimbawa: Nang magkas­alubong kayo ng nakasi­gawan mong kaklase sa klasrum ay tinapik ka niya sa balikat
4. Artifacts - ang mga bagay na gawa ng tao ay magagamit din sa komuni­kasyon gaya ng kulay o disenyo ng kasuotan, dekora­syon, alahas, atbp. na may sikolo­hikal na epekto.
Halimbawa: Naninilaw at walang paglagyan sa katawan ang mga gold (-plated) na alahas ng kasabay mo sa FX, bagamat nakamu­mur­ahing tsinelas lamang siya.
5. Olfactory - Ang pang-amoy ay nagdadala rin ng mensahe tulad ng paggamit ng pabango, pagkilala sa kasama o mahal, pag-alala sa nakaraan, atbp.
Halimbawa: Habang naglalakad sa mall kasama ang syota ay winisikan ka ng saleslady ng hawak nitong pabango, ganoon­g-g­anoon ang gamit na cologne ng iyong ex
6. Chronemics - Ito ay may kinalaman sa komuni­kasyong tempral at kung papaano ginagamit ng tao ang oras at panahon; bawat kultura ay mayroong "­social clock" kung kailan dapat manala­ngin, kumain, mag-asawa, atbp.
Halimbawa: Pang-t­atl­umpu't isa mo ng Valentines Days ngunit wala ka pa ring kasama para ipagdiwang ito, sa susunod na taon ay wala ka na sa kalendaryo
7. Parala­nguage -
Halimbawa: Hindi kumikibo ang kagigising pa lang na ka-boa­rding house mo nang isoli mo ang kaniyang sepilyo matapos itong gamitin ng walang paalam.

Layunin ng Komuni­kasyon

1. Pagtuklas o pagkilala sa sarili
2. Pagpap­atatag ng relasyon sa kapwa
3. Pagtulong sa kapwa
4. Panghi­hikayat
5. Pagbibigay ng kaalaman o kabatiran
6. Pagpap­ahayag ng sarili
7. Pagpuna/ pagmulat

Kompre­hensyon

- Pagbuo ng mga tulay na nag-uugnay sa dating kaalaman tungo sa bagong kaalaman
- Ugnayan ng teksto at kaalaman ng mambabasa
- Layunin ng pagtuturo ng pagbasa ang malinang sa mag-aaral ang pagbasang may pag-unawa o kompre­hensyon
- Kung walang pag-unawa ay walang pagbasang nagaganap.

Pagtukoy sa Pangunahin at Kaugnay na Kaisipan

1. Basahin at suriin ang pamagat
2. Itala ang mahaha­lagang kaisipan na nabasa
3. Hanapin ang mga susing salita
4. Suriin at bigyan ng pag-uuri ang mga tala
 

Comments

No comments yet. Add yours below!

Add a Comment

Your Comment

Please enter your name.

    Please enter your email address

      Please enter your Comment.

          Related Cheat Sheets

          KomFil: Modyul 1-2 Cheat Sheet
          Module 4_KOMFIL: Pagbubuod Cheat Sheet

          More Cheat Sheets by kYUtQouH

          Module 4_KOMFIL: Pagbubuod Cheat Sheet