Show Menu
Cheatography

Heograpiya (Grade 8-1st Sem) Cheat Sheet by

1st Semester Modules 1-3

Module 1

Paksa 1 – Limang Tema ng Heograpiya 
A.) Lokasyon
      Tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig (Coordinates)
Paraan Sa Pagtukoy ng Lokasyon:
Lokasyong Absolute- Gamit ang Longitude At Lattitude Line na Bumuboo sa Grid (Traditional Maps)
Relatibong Lokasyon- Alamin ang Mga Lugar na Malapit dito (Places Surrounding)

B.) Lugar
      Tumutukoy sa mga Katangian Natatangi sa Pook (Landmarks)
Paraan Sa Pagtukoy ng Lugar:
Klima, Anyong Lupa, Anyong Tubig, at Likas na Yaman (Description)
Wika, Relihiyon, Dami ng Tao, Sistemang Political, Ethnicity (Culture)

C.) Rehiyon
      (Region)

D.) Interaksyon Ng Tao Sa Kapaligiran
       Ang Kaugnayan Ng Tao Sa Pisikal Na Katangiang Taglay ng Kanyang Kinaroroonan

E.) Paggalaw
       Ang Paglipat ng Tao Mula sa isang lugar papunta sa kabila; kabilang rin dito ang paglipat ng mga bagay at likas na pangyayari tulad ng Ulan at Hangin
Tatlo ng Uri ng Pagtingin ng Distansya ng Lugar:
Linear- Gaano kalayo
Time- Gaano Katagal ang Paglakbay
Psychological- Paano Tiningnan ang layo ng Lugar
 

Module 2

Heograpiyang Pantao 
Ang heograpiyang pantao ay pag-aaral tungkol sa paraan ng interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran;
kung paano niya ito binabago at kung paano din siya nababago o naaapektuhan ng kalikasan. Saklaw nito ang
pag-aaral ng wika at lahi/pangkat-etniko at relihiyon. 

Wika
Ang wika ang gabay sa pakikipagtalastasan, sa pagpapahayag ng ating damdamin, ideya, pananaw at
opinyon sa panulat man o pasalita. Sa kasalukuyan, mayroong 7,111 buhay na wika sa ating daigdig na ginagamit ng mahigit 6,200,000,000 na katao. Nakapaloob ang mga wikang ito sa tinatawag na language family o mga wikang magkakaugnay at may iisang pinag-ugatan. Tinatayang may 136 language family sa buong daigdig. 

Lahi/ Pangkat-etnolingguwistiko
Ang ating daigdig ay tahanan ng maraming tao na may iba’t ibang katangian. Mga katangian na
magbibigay konsepto sa salitang lahi o race. Ito ay tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao, maging ang pisikal o bayolohikal na katangian ng pangkat.
 

Module 3

Mga Relihiyon Sa Daigdig
Ang relihiyon ay isang mahalagang bahagi ng pag-aaral ng heograpiyang pantao ng daigdig.
Nasasalamin sa pag-aaral ng relihiyon ang mga iba’t ibang paniniwala ng tao at kung paano nito
naaapektuhan ang mga pang-araw-araw na desisyon, gawi at kilos ng mga tao. Ang relihiyon ay
mahalagang aspeto sa paghubog ng pagkatao ng bawat indibiduwal.

Ang relihiyon ay kalipunan ng mga paniniwala at rituwal ng isang pangkat ng tao tungkol sa
kinikilala nitong makapangyarihang nilalang o Diyos. Nagmula ito sa salitang Latin, religare na
nangangahulugang “buuin ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan nito”

Ang relihiyon ay isang kalipunan ng mga sistemang paniniwala, mga sistemang kultural at
pananaw sa daigdig na nag-uugnay ng sangkatuhan sa espiritwalidad at minsan ay sa moralidad.

Ang salitang relihiyon ay minsang ginagamit upang ipalit sa pananampalataya.
 

Comments

No comments yet. Add yours below!

Add a Comment

Your Comment

Please enter your name.

    Please enter your email address

      Please enter your Comment.